110

Jun 21, 2021 @ 15:31
By

JM de Guzman rumesponde sa sunog, mga netizen napabilib

Hinangaan si actor JM de Guzman matapos niyang tumulong sa isang sunog sa Paco, Manila.

Sa ibinahagi niyang video sa Instagram, inamin ni JM na nakaramdam siya ng kaba dahil first time nilang reresponde sa totoong sunog.

Isang Philippine Air Force reservist si JM at kamakailan ay nag-share rin ng mga video habang nagti-training bilang bombero.

“Okay guys, ito ay totoong sitwasyon ng pagresponde. Habang nagpapahinga kami, biglang may sunog sa Paco, Manila,” sabi ng 32-year-old actor.

“Pupunta kami ngayon dun para rumesponde. Medyo kinakabahan po kami dahil first time po namin na sasabak sa ganitong sitwasyon,” dagdag niya.

“Malaki daw ‘yung sunog. Di po ‘to drama or teleserye, just real life.”

Narito ang ilang comment ng mga netizen:

“Kung ganito ba naman ka gwapo ang bombero sasama na ako.”

“Sobra mo kming pinabibilib idol. Isa Kang artista, sundalo, at ngaun bumbero. Ang galing mo.”

“Yan ang artista na di lang puro sa camera kya lodi e.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?