77

By

JM de Guzman nilampaso si Iñigo Pascual sa tilian ng mga fan

Kinabog ni JM de Guzman si Iñigo Pascual sa audience impact nitong Linggo, sa ASAP Live nang mag-duet ang dalawa ng kantang Break Even ng The Script.

Malakas naman ang tilian ng mga nasa audience sa anak ni Piolo Pascual, pero nang kumanta na si JM ay sobrang lakas at doble ang tilian ng mga ito.

Obviously ay kinilig sila sa appearance ni JM na isa sa mga aktor natin na may boses, at halatang na-miss nila ito dahil matagal ding nawala sa limelight ang magaling na aktor.

Siyempre, tuwang-tuwa rin si JM sa response ng tao dahil affirmation nga ito na may puwede pa talaga siyang balikan sa showbiz.

Sa ngayon ay naging abala siya sa taping ng Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi na siyang pinakauna niyang project after two years.

Well, sana nga ay tuloy-tuloy na talaga ito dahil hindi lahat ay nabibigyan ng third chances katulad niya.

Suwerte lang niya talaga dahil kulang ang showbiz nang magagaling na artista ngayon kaya siguro lagi siyang naiintindihan, pero may sukdulan din ang lahat, noh!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?