47

By

JM de Guzman, Jeremy agawan kay Isabela Vinzon

Sharing is caring!

Iba rin ang beauty ni dating The Voice Teens finalist Isabela Vinzon dahil hindi lang isa pero dalawang guwapong-guwapong mga lalaki ang nali-link sa kanya, si Jeremy Glinoga at si JM de Guzman.

Pero inamin niya sa guesting niya sa Tonight With Boy Abunda na si Jeremy ang kanyang pipiliin.

“Kailangan talagang sumagot diyan? Sige, si Jeremy. Jeremy. Magka-age kami eh,” ang sagot ng dalaga sa tanong ni Tito Boy kung sino sa dalawa ang pipiliin niyang umakyat ng ligaw sa kanya.

Hindi pa roon natapos ang pang-iintriga sa singer-actress na kasama na sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. Sa fast talk portion ng programa tinanong siya ng King of Talk kung sino ang gusto niyang makasama sa isang dream date.

Sagot ni Isabela, o Lala kung tawagin ng iba, “Save? Okay, si Jeremy.”

Pero kahit si Jeremy ang sinasagot niya ay hindi maitatanggi ang laki ng ngiti ni Isabela habang pinag-uusapan ang kaniyang ‘Kuya’ JM. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?