49

By

JM, Barbie, patutunayan ang pagmamahalan sa finale ng ‘Araw Gabi’

Sharing is caring!

Napatunayan man nina Adrian (JM de Guzman) at Mich (Barbie Imperial) na matibay ang kanilang pag-ibig, masusubok ito sa kanilang pagharap sa isa na namang masamang balak ni Celestina (Vina Morales) sa huling linggo ng ‘Araw Gabi’.

Matapos ang ilang taong pagkakawalay ay mabubuo na muli ang pamilya ni Mich, sa tulong na rin ni Adrian, sa muling pag-iisang dibdib nina Virgilio (Raymond Bagatsing) at Harriet (Ara Mina).

Ngunit hindi pa tapos ang lahat dahil nagbalik si Celestina para guluhin sila sa katauhan ni Odessa (Rita Avila), matapos niyang ipagaya ang mukha ng ina ni Adrian. Unti-unting lalasunin ni Celestina ang mga relasyon nina Adrian at Mich, at Virgilio at Harriet.

Hindi lang iyon, may isa pang ilalarong baraha si Celestina na maaaring ikasira ng pamilya de Alegre at maging ng pag-iibigan nina Mich at Adrian.

Ano ang gagawin ni Celestina para sirain sina Adrian at Mich, at maging ang pamilya de Alegre? Kaya ba itong lampasan nina Mich at Adrian?

Huwag palalampasin ang huling linggo ng ‘Precious Hearts Romances Presents Araw Gabi’, araw-araw sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN pagkatapos ng ‘Kadenang Ginto’.

Tumutok sa pagtatapos nito sa Biyernes, Oktubre 12 para malaman kung paano matatapos ang librong ito ng ‘Precious Hearts Romances’.

Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?