84

JM, Agsunta, Kyla panalo sa Himig Handog 2018

Sharing is caring!

Inanunsyo sa ASAP ang mga nagwagi sa katatapos lamang na Himig Handog 2018: Love Stories and Love Songs.

Narito ang listahan ng mga winner:

MOR’s Choice Award, TFC’s Global Choice Award and Myx Choice for Best Music Video:

‘Sugarol’ na inawit ni Maris Racal

OneMusicPH Favorite Interpreter:

Sam Mangubat para sa kantang ‘Wala Kang Alam’

Star Music Listener’s Choice at 4th Best Song:

‘Mas Mabuti Pa’ na kinanta ni Janine Berdin

Best Produced Track at 5th Best Song:

‘Tinatapos Ko Na’ na ininterpret ni Jona

Nagtapos naman bilang 3rd Best Song ang awit na ‘Kababata’ na kinanta ni Kyla ft. si Kritiko at compose ni John Michael Edixon.

2nd Best Song ang ‘Wakasan’ na ininterpret naman ng Agsunta at composed by Philip Arvin Jarilla.

Grand Prize Winner ang ‘Sa Mga Bituin Na Lang Ibubulong’ ni JM De Guzman at isinulat ni Kyle Raphael Borbon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?