335

Sep 3, 2019 @ 21:50
By

JK Labajo, isa lang ang pina-follow sa Instagram

Sa kabila ng pagkakaroon niya ng 841,000 followers, isang tao lang ang pina-follow ni “Buwan” hitmaker Juan Karlos Labajo sa Instagram.

Walang iba kundi ang girlfriend niyang si model Maureen Wroblewitz.

Sa panayam kay Labajo sa Push, inamin niyang dati ay marami siya accounts na pina-follow hanggang sa kung ano-ano na lang ang nakikita niya sa kanyang feed kaya mas pinili niyang si Wroblewitz na lang ang kanyang i-follow.

Aniya, ang mga post lang ni Wroblewitz ang gusto niyang makita at para mai-like na rin agad niya ito.

View this post on Instagram

makulimlim

A post shared by Maureen Wroblewitz (@mauwrob) on

View this post on Instagram

sorry for the late upload but link is in my bio for my NEW VIDEO ❤️

A post shared by Maureen Wroblewitz (@mauwrob) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?