639
JK Labajo binantaang papatayin ng netizen
Mar 19, 2019 @ 14:35
By

JK Labajo binantaang papatayin ng netizen

Nakatanggap umano ng death threat mula sa isang netizen si ‘Buwan’ singer JK Labajo.

Sa kanyang Instagram Story ngayong Martes ay ibinahagi niya ang screenshot ng naturang mensahe na ipinadala sa kanya ng netizen kung saan pinagbantaan siyang papatayin at pasasabugin ang gig nito.

“P*T*NG INA MO. PAPATAYIN KITA HUMANDA KA SA GIG MO PAPASABUGIN KO YUN WALA AKONG PAKE SA DAMI NANG MAMAMTAY MAPATAY LANG KITA,” nakasaad sa mensahe.

Nireplayan ito ni Labajo ng, “Beshie huli ka na. Palagi kaming may pasabog sa mga gigs namin di ka namin need. Luv u 2 thnx bye.”

Sa sumunod na post ay tila may patama si Labajo, “Basta kung ganyan ang ugali alam niyo na kung kaninong fan yun.”

“Pag may mangyari man sakin kilala niyo na kung sino pag hihinalaan niyo,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan naman nito ang mga sumusuporta sa kanya, “Yung mga nagmamahal sakin, kilala ko kayo. Binabasa ko mga messages niyo kaso di ko mareplyan lahat. Basta. Maraming salamat. Mahal ko rin kayo. Andito lang ako sa dilim…nagmamatyag. Nakatingin.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?