By

Jeepney driver na nagpanggap na pulis, arestado sa pangongotong

Sharing is caring!

Kalaboso ang isang lalaki matapos ireklamo ng mga vendor sa Luneta dahil umano sa pangongotong.

Nagpapanggap kasi ang suspek na si Peterson Jimenez na pulis-Maynila at nangongolekta ng arawang lagay sa mga nagtitinda sa Luneta.

Galit na sumugod sa Manila Police District Station 5 ang iba pang mga vendor sa Luneta matapos malaman na ang nanghihingi sa kanila ng lagay ay hindi pala pulis.

Sa imbestigasyon ni Supt. Emerey Abating, commander ng Station 5, P100 hanggang P500 ang sinisingil ng suspek sa kada vendor araw-araw.

Nagsimula umano sa kanyang modus ang suspek noon pang Enero ng 2018.

Sa presinto ay itinanggi ng suspek, na isang jeepney driver, ang paratang sa kanya pero kinalaunan ay napaamin din sa kanyang modus.

Mahaharap sa mga kasong usurpation of authority, falsification of documents at robbery extortion ang suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?