32

Sep 21, 2021 @ 22:16
By

JJ Redick goodbye na sa NBA

Nagretiro na ang sharpshooter na si JJ Redick sa NBA matapos ang 15 taong paglalaro.

Inanunsyo ito ni Redick sa kanyang mga social media account ngayong Martes (oras sa Pilipinas).

“First team. Last team. So GRATEFUL for everything in between. Today, I am officially retiring from the game of basketball. Thank you to EVERYONE who was a part of my journey and career,” pahayag ni Redick sa kanyang IG.

“I started playing basketball 30 years ago in my backyard on an uneven patch of dirt, gravel, and grass. It was on that court that my dreams began to form. Reality has far surpassed my dreams!! So thankful for 15 years in the NBA and all the amazing relationships and memories along the way,” dugtong pa ng 37-anyos na manlalaro.

Huling naglaro si Redick para sa Dallas Mavericks nitong 2020-2021 season.

Bago ito, bumida rin siya sa Orlando Magic, Milwaukee Bucks, Los Angeles Clippers, Philadelphia 76ers at New Orleans Pelicans.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,