140

Dec 11, 2019 @ 18:52
By

Jiu-jitsu humirit pa ng 2 ginto

Limang gold medal ang nahakot ng Philippine jiu-jitsu team sa 30th Southeast Asian Games sa pangunguna ni Margarita ‘Meggie’ Ochoa.

Sa huling araw ng sport, dalawang ginto ang idinagdag sa medal tally para sa bansa.

Nagwagi si Adrian Rodlfo Erwin Guggenheim kay Willy Willy ng Indonesia, 100-0 upang hablutin ang gold sa men’s U-77kg nitong Martes habang kinaldag ni Annie Ramirez si Cassandra Poyong ng Malaysia, 3-0 sa women’s U-55kg sa Laus Events Center sa Angeles, Pampanga.

Bago ang dalawang ginto, nakapag-ambag na sina Ochoa ng gold mula sa women’s U-45kg event, Carlo Pena at Dean Michael Roxas sa men’s 56kg at 85kg divisions, ayon sa pagkakasunod.

May tigatlong silver at bronze medals din ang nakalawit ng Philippine jiu-jitsu team.

Galing ang silver kina Luigi Joshua Ladera, (men’s U-94kg), Marc Alexander Lim, (men’s U-69kg) at Jenna Kaila Napolis, (women’s U-49kg).

Bumingwit naman ng bronze sina Peter Lawrence Meimban, (men’s U-120kg.), Apryl Jessica Eppinger, (women’s U-62 kg) at Gian Taylor Dee, (men’s U-62kg).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?