109

By

Jiro Manio kinasuhan na ng Marikina police

Nahaharap sa kasong frustrated homicide ang dating child actor na si Jiro Manio matapos siyang arestuhin dahil umano sa pananaksak sa isang lalaki.

Ayon sa ulat, sumailalim na sa inquest proceedings si Manio sa Marikina Prosecutor’s Office nitong Sabado ng hapon.

Biyernes ng gabi nang makatanggap ng report ang Marikina police tungkol sa pananaksak ni Manio sa isang Zeus Doctolero sa M.A. Roxas Street sa Barangay San Roque.

Dalawang beses umanong sinaksak ni Manio sa likod ng balikat gamit ang kitchen knife si Doctolero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?