7

Jan 28, 2021 @ 20:21
By

Jinyoung ng GOT7 sumibat na sa JYP Entertainment

Tuluyan nang nilisan ni GOT7 member Jinyoung ang record label na nagpasikat sa kaniya.

Ito ay matapos niyang pirmahan ang kaniyang kontrata sa ilalim ng BH Entertainment.

Sa opisyal na Instagram ng naturang acting agency, naglabas sila ng litrato ni Jinyoung na may naksaad na “Welcome to BH Entertainment.”

Ang naturang acting agency ang nagpasikat sa ilang South Korean Star tulad nina Park Bo-young, Jin-wook, Han Ji-min at Jung Woo.

Una nang napabalitang nilisan na ni Jinyoung ang JYP Entertainment noong unang linggo ng Enero.

Taong 2014 nang ipakilala ng JYP Entertainment ang grupong kinabibilangan ni Jinyoung na GOT7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?