146

Oct 1, 2020 @ 22:02
By

Jinkee ‘reyna’ ng mga plantita

May nanalo na!

Ito ang sigaw ng mga netizen matapos mag-post sa social media si Jinkee Pacquiao ng mga naglalakihan at naggagandahang indoor plant niya.

Caption ni Jinkee, “When you woke up this morning, God gave you a gift called “today”. Always remember how precious this gift is because you can never get back the time that has gone by.”

Isa raw hindi pangkaraniwang variegated alocasia elephant ear o tinatawag din na “giant taro” ang mga halaman ni Jinkee, na agad napansin ng mga plantito at plantita.

Sa ulat ng ANC X, isang lalaki na may kaparehong halaman kay Jinkee ang nagsabing posibleng nabili ng huli ang variegated alocasia niya ng nasa P30,000.

“Jackpot sya if nabili nya lang ‘yan ng 30k. Kasi last time may nakita ako na white at mga three-feet long, selling for 25k na,” sabi ng lalaki.

Dahil dito, sa isang FB group ng mga certified plantito at plantito na “Plant Hub Philippines” ay kinoronahan si Jinkee bilang “PlantDoña”.

Narito ang comment ng ilang netizen.

“Siya na ang Plantita of the Year!”

“Kabog! Uwian na!”

“Wala na lalaban! Ikaw na jinkee.”

“Whewwwww!!! Gravvveee si madame Jinkee!!! Uwi na tau… winner na eh..”

“Certified #PlantDoña! Hahaha.”

“Bumili ng sariling kagubatan c ate jinks!!! Haha.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?