1,357

Sep 24, 2021 @ 19:57
By

Jinkee pinayuhang mamili sa Divisoria

Pinayuhan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin na magsimula na si Jinkee Pacquiao na mamili sa Divisoria kung nangangarap itong maging First Lady.

Ani Cristy, dapat magpakita ng modest life si Jinkee matapos ang anunsyo ng asawang si Senador Manny Pacquiao na tatakbong pangulo sa eleksyon.

Hindi raw dapat nagpapakabongga ang isang nangangarap na maging First Lady.

Dapat din daw ilagay na lang muna ni Jinkee ang mga branded na kagamitan niya sa closet para raw madali itong lapitan ng masa.

“Dapat hindi kayo nagpapakita ng bagay na ikalalayo ng publiko sa inyo. Masa ang inyong tinutumbok sa labanan na ito. Paano kayo maiintindihan ng masa kung ang inyong isinusuot na damit ay isang piraso pa lang ay kaya nang pakainin ang isang barangay,” sambit ni Cristy sa show niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?