564

Dec 15, 2017 @ 15:13
By

Jinkee Pacquiao presidente na ng Ji Chang Wook fans

Millennial lang ang peg ni Jinkee Pacquiao ngayon dahil sa pagkakilig nito sa Korean actor na si Ji Chang Wook. Hindi kaila sa marami na nababaliw ang misis ni Pambansang Kamao at Senator Manny Pacquiao sa paghanga nito sa Korean actor na nagbida sa mga Koreanovelas na Empress Ki, Smile Again, Healer, The K2 at Fabricated City.

Noong nakaraang December 9, nakatanggap si Jinkee ng isang package mula sa paborito niyang Korean actor. Pinost ito ni Jinkee sa kanyang Instagram account at tila nang-inggit sa mga tagahanga rin ni Ji Chang Wook.

Nag-react ang ilang fans ni Ji Chang Wook sa pinost na ito ni Jinkee.

“Omg kainggit”

“Welcome to the club Madam! ikaw na ang Presidente ng Wookie club hahaha! At ikaw lang pagasa nmin pra makapunta si Oppa dito @jichangwook you totally GOALS?”

“Huwatttttttttt .. Whaaaaaaaa huhuhu kaiingit …. Sama niyo po ako pag nagka fanmeet.”

“@vieutifuuul.”

“Durog ang puso ko sa inggit @minarosebee @cheese_kah.”

Huwag tayong magulat na balang-araw ay magkakaroon ng photo si Jinkee na kasama si Ji Chang Wook pagkatapos mag-serve nito sa military sa May 2019. (Ruel Mendoza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?