340

Sep 11, 2021 @ 11:23
By

Jinkee lang sakalam! Suot na pantulog higit P200K presyo

Napa-wow muli ang mga netizen sa blue pajama OOTD ni Jinkee Pacquiao na mahigit P200,000 ang halaga.

Louis Vuitton lang naman ang tatak ng pajama set niya na nasa $3,000 o P149,521 habang ang partner nitong tsinelas ay Chanel brand na nasa $1,400 o P70,196.55, ayon sa report ng GMA.

Kapag pinagsama ay mahigit P200,000 ang pantulog OOTD ni Mrs. Pacquiao.

Matatandaang may ilang bumatikos kay Jinkee sa pagrampa ng pink OOTD sa Pacquiao-Yordeni Ugas fight sa US dahil umabot umano ito sa mahigit P2 milyon.

Dinepensahan ito ng mister niyang si Senador Manny Pacquiao at sinabing pinaghirapan naman nila ang pera na pinambili nito at hindi ninakaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?