67

Sep 8, 2021 @ 15:13
By

Jinkee enjoy sa quarantine

Imbes na maburyong sa kuwarto, kabilaang post ng litrato na lang ang pinagkaabalahan ni Jinkee Pacquiao habang naka-quarantine sa isang sosyaling hotel sa Pasay City.

Makikita kasi sa magkaksunod niyang mga Instagram post ang life update niya sa loob ng Conrad kung saan siya at ang kanyang pamilya ay naka-isolate matapos umuwi muli Nevada, USA.

Sa isang litrato, makikita siya kasama si Senador Manny Pacquiao at ang bunso nilang dyunakis na si Isarel.

Nito lamang Agosto 30 nang umuwi sa ‘Pinas ang pamilya ni Manny matapos ang kanyang laban kontra kay Cuban fighter Yordenis Ugas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?