979
Jinkee bumisita sa dating paaralan
By

Jinkee bumisita sa dating paaralan

Pinasyalan ni Jinkee Pacquiao ang pinasukan niya noong elementary school sa Barangay Kitagas sa Sarangani.

Ibinahagi niya ito sa social media kung saan makikita na kasama niyang nagtungo sa Fermin Fuster Elementary School ang kakambal niya noong May 14.

“Ang sarap ng pakiramdam na makabalik kung saan ka tumira nung bata ka pa at kung saan ka nag aral ng elementary. Ito po ang school kung saan ako nag graduate ng elementary. God is good!” ani Jinkee.

Sa isa pang post makikitang nagpa-picture si Jinkee kasama ang mga dati niyang kapitbahay.

“Sila po ang mga kapitbahay namin. Sarap makabalik at makita kayong lahat!” caption ng misis ni Manny.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?