19

By

Jinhwan ng iKON pinakilig ang mga Pinoy fan

Sharing is caring!

Naganap ang concert ng Korean boy band na iKon kagabi sa SM Mall of Asia Arena.

Pinakilig ng grupo ang kanilang mga Pinoy fan lalong-lalo na nang ikwento ni Jinhwan ang naging pagtira niya sa Pinas noon.

Matatandaang sinurpresa nito ang mga fan nang ianunsiyo nito sa isang radio interview na tumira ito ng 7 buwan sa Pilipinas bago ito nag debut. Bukod sa pagsasalita ng Filipino ay kaya rin nitong magsalita sa bisaya.

Sa isang bahagi ng concert kagabi sinabi ni Jinhwan na ang Pinas ang ikalawa niyang tahanan.

“You know what, I have a special tie here in the Philippines. I have great memories here.I love you. I stayed in Davao so I know a bit of bisaya.” saad ni Jinhwan na ikinakilig ng mga fan.

Ikinuwento rin nito noon na maraming babae ang nagkakagusto sa kaniya sa Davao.

“That time, I was a lil bit popular in Davao and so many girls like me.” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?