652

Apr 13, 2020 @ 18:37
By

Jinggoy, Zamora nag-upakan ule sa mobile palengke

Naungkat ule ang tila patutsadahan nina dating Senator Jinggoy Estrada at San Juan Mayor Francis Zamora.

Nag-ugat ito nang magsagawa ng kilos protesta kanina ang ilang tindera sa Agora Market sa San Juan City dahil umaaray sila sa mobile palengke na inilunsad ng dating bise alkalde na si Janella Estrada.

Reklamo ng mga vendor, `nilalangaw’ at bagsak ang kanilang negosyo dahil mas mura ng kalahati ang presyo ng mga paninda sa mobile palengke.

Agad namang umaksyon at pumagitna ang alkalde sa reklamo ng mga vendor at pinaiimbestigahan ang insidente.

“Unang-una, wala itong permit. That is illegal. Kahit anong gusto mong itulong kung ito’y illegal kawawa naman iyong mga taong sumusunod sa batas,” pahayag ng alkalde.

Sa lumabas namang video ay may diretsong sagot ang dating senador.

“Kung illegal iyong rolling store ni Janella, 1 linggo nang nag-ooperate eh, di sana pinahuli niya.

Iligal na ba tumulong ngayon?” patanong ni Jinggoy.

“Hindi natin sila pinipigilang tumulong. Mag-apply sila ng permit sa pamahalaang lungsod,” paglilinaw ng punungbayan.

“Tumutulong kami rito sa bayan ng San Juan, sana wag niyang masamain. At wag niyang hahaluan ng pulitika dahil kawawa ang ating mga kababayan,” buwelta naman ni Jinggoy.”

Dahil sa bangayang ito nina Zamora at Estrada ay di ito nakaligtas sa social media. Kanya-kanya silang pananaw at banat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?