54

May 11, 2019 @ 12:30
By

Jinggoy: Wala po kaming kasalanan sa taumbayan

Idiniin ni senatorial candidate Jinggoy Estrada ang pagkakawalang sala niya umano sa taumbayan bagamat nakulong ito dahil sa pork barrel scam.

Inihayag ni Jinggoy sa miting de avance ni Makati City Mayor Abby Binay ang naging pagkakahawig niya sa kanyang ama na dating presidente at ngayo’y Manila City Mayor na si Joseph Estrada kung saan nagbiro siya na, “Nung nakulong siya, nakulong din ako! Weather-weather lang ‘yan!”

Ayon kay Jinggoy, matapos “magbakasyon” katulad nina Revilla at Enrile, handa na silang magsilbi muli sa bayan.

Aniya, “Tatlong taon ako nagbakasyon, tatlo kami, ako, si Senator Revilla at si Senator Enrile.”

“Mahirap talaga magbakasyon na napag-iinitan ka na, niyurak ang iyong pagkatao, binaboy ang iyong pagkatao, bigla ka pang kasuhan, bigla ka pang pinakulong,” anang ni Jinggoy.

Dagdag pa niya, “Pero mga kaibigan, malakas ang aking loob, malakas ang aming loob na humarap sa inyo at sabihin sa inyo paulit-ulit na wala po kaming kasalanan sa taumbayan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?