238

May 3, 2020 @ 19:04
By

Jinggoy: Pinupolitika ako ni Zamora!

Tingin ni dating senador Jinggoy Estrada, binabahiran ni San Juan Mayor Francis Zamora ng politika ang kanyang pagtulong kaya siya inaresto.

Sa panayam sa CNN Philippines, nakiusap si Jinggoy kay Zamora na huwag nang haluan ng politika ni Zamora ang kanyang pagbibigay ng ayuda sa mga taga-San Juan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

“This is not the time to play politics. We are in a pandemic, we are in a crisis. Lahat ng tao kailangan nang pagkain, nandito kami para magbigay ng pagkain,” pahayag ni Estrada matapos siyang dakpin ng mga pulis habang namimigay siya ng ilang kilo ng bangus sa isang barangay sa San Juan.

Aniya pa, dalawang linggo na niyang ginagawa ang pamimigay ng bangus sa mga residente ng San Juan, at tingin niya’y unfair umano ang pakikitungo sa kanya nang siya’y arestuhin.

“Why are they singling me out? I think that is unfair. I’ve been a mayor here for nine years before. Gusto ko lang tumulong sa aking kababayan,” giit ni Estrada kung saan sinabi niya na marami ring non-government organization at private individual na tumutulong kahit walang permit sa mga LGU.

Giit naman ni Zamora, sumunod na lang si Jinggoy sa batas lalo pa’t mabilis naman umanong kumuha ng permit sa San Juan.

“The former senator’s daughter wrote me a letter last April 29 because she wanted to distribute free medicines. In a matter of just one day, I released the certification for her,” paliwanag ni Zamora.

“Being a former lawmaker, being a former senator, he should just follow the law,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?