112
views
jinggoy
By

Jinggoy, pinaco-contempt dahil sa pekeng imbitasyon

Sharing is caring!

Hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na pagpaliwanagin si dating senador Jinggoy Estrada kung bakit hindi ito dapat ma-contempt dahil sa pagsusumite ng umano’y pekeng invitation letter para sa speaking engagement sa Amerika.

Sa supplemental motion, sinabi ng prosekusyon na paglapastangan sa hustisya kung papayagan pa si Estrada na makabiyahe sa Estados Unidos, makaraang itanggi ng US Pinoys for Good Governance (USPGG) na imbitado nila ang dating senador bilang guest speaker sa taunang membership meeting sa Michigan.

“Accused Estrada should be required to show cause why he should not be cited in contempt of court for using a falsified invitation letter to buttress his motion. It was accused Estrada who used and stood to benefit from the fake invitation letter,” saad sa mosyon.

Kaugnay nito’y binigyan ni Fifth Division chairperson Associate Justice Rafael Lagos ang kampo ni Estrada ng tatlong araw para magkomento.

Sa hirit na makabiyahe sa US, sinabi ni Estrada na tatalakayin nito ang mga isyu tungkol sa umano’y extrajudicial killings sa war on drugs, Dengvaxia fiasco at federalism sa pagtitipon ng USPGG.

Ikinabit pa nito sa kanyang mosyon ang letter-invitation na pirmado ni USPGG president William Dechavez.

Nauna nang pinagbigyan ng korte ang travel motion ni Estrada mula Abril 30 hanggang Mayo 30 pero wala pang ipinalalabas na formal travel authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?