126

Apr 16, 2020 @ 22:32
By

Jinggoy niresbakan si Zamora: Mga tinda sa ‘rolling store’, hindi donasyon

Muling nagpatutsada si dating senador Jinggoy Estrada kay San Juan City Mayor Francis Zamora dahil sa umano’y pagharang sa programang “rolling store” ng kanyang anak na si dating Vice Mayor Janella Estrada.

Iginiit ni Estrada sa panayam sa 24 Oras nitong Huwebes, na hindi donasyon ang mga binebenta sa “rolling store” ng kanyang anak taliwas umano sa akusasyon ni Zamora.

Dagdag ni Estrada, pinondohan niya ito at binili nila ang mga produkto sa mga tindera sa Agora Market sa San Juan.

Sila rin daw ang sumasagot sa pinapataw ditong 50 porsiyentong diskuwento.

“Hindi po donasyon ‘yon. Binibili po namin ‘yon, pinapakyaw po namin ‘yong karne, manok, isda at mga gulay. Kumpleto po ako sa resibo. ‘Yung 50% discount kami na nagso-shoulder nun, na tulong na namin sa taumbayan,” paliwanag ni Estrada.

May pera man daw siyang nakuha sa mga donasyon ay pinambili niya ito ng mga relief pack para sa mga taga-San Juan.

Sa kabila na pinahinto ni Zamora ang “rolling store” dahil sa umano’y pagiging iligal dahil walang permit ay desidido itong ipagpatuloy ni Estrada.

Pinayuhan din nito si Zamora na magpokus na lang sa pagtaas ng bilang ng COVID positive sa San Juan dahil napakaliit na nga aniya ng kanilang lungsod ay sa kanila raw may pinakamataas na bilang ng infected.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?