96

Mar 5, 2020 @ 17:51
By

Jinggoy na-technical

Bukod sa politika ay agaw eksena rin si ex-Senator Jinggoy Estrada nang pituhan ito ng technical foul sa pisikalang laban ng San Juan Knights kontra Pampanga Giants Lanterns sa 2020 MPBL North semifinals.

Sa 3:51 marka kasi ng 3rd quarter ay makikitang siniko ni Pampanga forward Reil Cervantes si Jonard Clarito na nagpabagsak sa huli.

Matapos ang ilang minutong diskusyon ay tila hindi ito nagustuhan ng San Juan team owner na si Jinggoy Estrada kaya pumasok ito sa playing court kaa siya na-technical.

Pero dahil team owner ang 57-anyos na dating lawmaker ay napasa ang technical foul kay San Juan head coach Randy Alcantara kaya siya ang na-eject sa laro.

Malaki naman ang pasasalamat ni coach Randy sa kanyang mga player dahil sa naitawid nila ang panalo kahit wala siya sa court para mandohan ito.

“Lumabas na naman ‘yung malaking puso ng mga player ko. Meron akong tiwala sa players ko, from first unit, second, and third ready lahat ‘yan,” pahayag ni coach Randy.

‘Di naman matatawaran ang nasabing bakbakan dahil sa unang salang pa lang ng 1st quarter ay may nagaganap na agad na pisikilan nang magbato si Pampanga star Michael Juico ng closed fist kay Art Aquino.

Agad namang pinaalis si Juico matapos patawan ng disqualifying foul.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?