232

By

Jinggoy, iginiit ang imbitasyon ng PDP-Laban

Sharing is caring!

Bilang depensa sa mistulang panghihiya sa kanya, ipinagdiinan ni dating Senator Jinggoy Estrada na totoong may nag-imbita sa kanya para sumama sa senatorial line-up ng PDP-Laban sa 2019 midterm elections.

Sa isang news forum, iginiit ni Estrada na may tumawag sa kanya mula sa administration party at inimbitahan siya nito na sumama sa hanay ng kanilang senatoriables sa susunod na eleksiyon.

Inamin naman ni Estrada na hindi sila nagkakausap ni Senate President Koko Pimentel, na siyang pangulo ng PDP-Laban.

Sinabi pa nito na maaaring hindi alam ni Pimentel ang tungkol sa imbitasyon sa kanya ng kapartido nito.

Bago nito, mariing itinanggi ni Pimentel na balak nilang isama sa kanilang ‘line-up’ ang dating senador, na nakulong dahil sa kasong may kaugnayan sa pork barrel scandal.

Una nang ibinahagi ni Estrada na posible na muli siyang tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDP-Laban banner at aniya bukas din siya sa posibilidad na makasama sa kampanya ang kapatid na si reelectionist Senator JV Ejercito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?