58

Dec 6, 2017 @ 13:55
By

Jinggoy, humirit ulit ng HK trip

Matapos bumalik mula sa Singapore, humihingi ulit si dating Senador Jinggoy Estrada ng permiso sa Sandiganbayan para makalabas ng Pilipinas.

Bibiyahe naman daw si Estrada sa Hong Kong para sa anim na araw na “long desired family bonding and holiday trip”.

Sa kanyang travel motion, hiniling ng dating senador sa anti-graft court Fifth Division na payagan siyang umalis mula Disyembre 26 hanggang 31 kasama ang asawang si Precy at mga anak na sina Janella, Jolo, Julian, at Jill.

Ayon kay Estrada, matagal na niyang naipangako sa pamilya ang biyahe abroad.

“After accused-movant was allowed bail, the family [has] been longing for bonding outside of the country. The Christmas holidays would be the most opportune time to have this,” saad sa mosyon ni Estrada.

Kagagaling lamang ng dating senador sa Singapore kung saan sinamahan nitong magpa-check-up ang amang si Manila Mayor Joseph Estrada.

Nahaharap si Estrada sa kasong plunder at 11 counts ng graft dahil sa umano’y P183.79 million kickbacks sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?