31

May 4, 2020 @ 17:27
By

Jinggoy Estrada malinaw na lumabag sa ECQ guidelines -DILG

Walang official coordination si dating senador Jinggoy Estrada sa City government ng San Juan kaya nakuwestiyon ang ginawang pamamahagi nito ng pagkain sa mga taga-San Juan.

Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na batay sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force, kailangan may koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan ang lahat ng gagawing relief operations at feeding program at kailangang certification.

Wala aniyang official coordination si Estrada mula sa San Juan City government na malinaw na paglabag sa ECQ guidelines, at walang quarantine pass ang mga namahagi ng pagkain.

Napansin din aniya ng DILG sa video na hindi nasunod ang social distancing at pati mga bata at matanda ay lumabas ng bahay na mahigpit na paglabag sa ECQ.

Kung ayaw aniya ni Estrada na idaan sa LGU ang tulong nito, maaaring dalhin ito sa Office of the Civil Defense para siyang mamahagi nito.

Kaugnay naman sa rolling stores ng anak ng senador, wala aniya itong business permit at labag sa unfair competition dahil ibinebenta ng half the price ang mga paninda kaya nagrereklamo ang mga lehitimong mga tindera sa pamilihang bayan ng San Juan City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?