87

Nov 3, 2017 @ 14:52

Jinggoy bigong makabiyahe sa Singapore

Tutol ang prosekusyon sa hiling ni dating senador Jinggoy Estrada sa Sandiganbayan na payagan itong makabiyahe sa Singapore sa November 11 hanggang November 20.

Sa pagdinig ng anti-graft court Fifth Division sa motion to travel ni Estrada, sinabi ni Assistant Special Prosecutor Peter Jedd Boco na maghahain sila ng oposisyon dito.

Binigyan naman ng korte ang prosecution panel ng limang araw para isumite ang written opposition sa mosyon ng dating senador.

Sa mosyon ni Jinggoy, sinabi nitong kailangan niyang samahan sa Singapore ang amang si Manila Mayor Joseph Estrada para magpatingin sa doktor doon.

Sa liham naman ni Erap na naka-attach sa mosyon ni Jinggoy ay iinaliwana nito na nakakuha siya ng appointment kay Dr. Pillay Premkumar na umano’y best at award winning na neurosurgeon.

Ang espesyalista ay nagpa-practice sa brain-spine-nerves center ng Mount Elizabeth Hospital sa Singapore..

Si Jinggoy ay patuloy na nililitis sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam pero nakapagpiyansa noong Setyembre kaya nakalabas ng kulungan. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?