11

By

Jin Alcantara kinarga sa tuktok ang Hanah

Sharing is caring!

NADOMINA ng Hanah Taekwondo jins ni coach Vic Feria sa nasakoteng 19 gold, 13 silver at 5 bronze medal ang kasisipang Regional Taekwondo Championships sa SMX Convention Center-Bacolod City.

Dumale sa kyorugi event ng 10 gold ang HT sa pagtrangka ni 2017 World Championships gold winner Mary Angeline Alcantara, Dondy Santillan, Shanrick Matti, Adrian Galinea, Clyde Gentroles, Marichu Gentroles, Joshua Emmanuel Deita, Ashley Chavez, Christian at Archie Monasque.

Kopo ng 5 silver sina sa nasabi ring event sina Zach Olivo, Alexandria Gabrielle Rubica, Luigi Escasinas, Nea Marie Aplasca at Eiran Jett Sumaria, habang may 5 bronze sina Arthur Monasque, Ethan Chavez, Jeremy Solano, Davon Pecha at Zane Vincent Olivo.

Dumampot ang Hanah sa poomsae event ng 9 gold mula naman kina Galinea, Shanen Matti, Deita, Auster Burata, Rubica, Rolyn Jan Tolentino at Nea Marie Aplasca para sa individual category habang sina Tolentino at Burata sa pair category.

Buhat ang 13 silver sa individual kina Jonathan Seguera at Clyde habang sa pair kina Rubica-Deita atMarichu-Clyde sa pair, at Rubica, Seguera at Deita sa team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?