83

Sep 8, 2021 @ 16:01
By

Jimuel nakipagsuntukan kay Sultan

Mukhang nagiging malinaw na ang dahilan kung bakit nagpa-iwan sa US si Jimuel Pacquiao: ito ay para magsanay at sundan ang yapak ng ama sa mundo ng boxing.

Binuking ng Pinoy boxer na si Jonas Sultan na hindi lamang nakisabay sa kanya sa training si Jimuel – nakipag-sparring pa ito.

Napabalita rin na ang pagsasanay ni Jimuel ay para sa kanyang laban kontra sa YouTube sensation na si ‘Boy Tapang.’

Hindi biro ang ginawa ni Jimuel na makipag-sparring kay Sultan sapagkat ito ay ranked no. 9 ng WBA at kakagaling lamang sa seventh-round knockout win laban kay Sharone Carter.

Nanatili rin si Sultan sa US para maghintay ng kanyang susunod na laban. Siya ay hawak ng MP Promotions ni Senador Manny Pacquiao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?