13

Aug 6, 2020 @ 17:41
By

Jimmy nagulantang sa pagkabuntis ni LJ!

Masayang binahagi ni Jimmy Alapag ang bagong blessing sa kanilang buhay ng kanyang misis na si LJ Moreno.

Sa Instagram post ng dating Gilas captain, nagpahapyaw siya tungkol sa kanyang jersey number sa national team.

“Soooo THIS is why my number on Gilas was #4…” sey ni Jimmy.

Sa Youtube vlog naman ng mag-asawa, dito na pinakita ang pregnancy test kung saan kinumpirma ang parating na ikaapat na anak ng basketball player at dating aktres.

Ayon kay Alapag, hindi nila plinano ang pagkakaroon muli ng baby kaya na-shock umano sila nang malamang buntis si LJ.

“I think shocked is the best word but at the end of the day it’s an absolute blessing,” wika ni Alapag.

Mayroon ng tatlong tsikiting sina LJ at Jimmy, kung saan hiling umano ng mga ito na magkaroon pa ng isa pang kapatid.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?