Jimmy Kimmel, napa-‘wow’ sa effigy ni Trump sa ASEAN

Sharing is caring!

Napa-‘wow’ si American TV host Jimmy Kimmel sa effigy o imahen ni US President Donald Trump na ginamit at sinunog ng mga anti-Trump protesters sa nakaraang 2017 ASEAN Summit na ginanap sa Pilipinas.

Ani Kimmel sa show nito na “Jimmy Kimmel Live!”, nakakabilib umano ang 13-foot na laki ng effigy na ito ng pinuno ng US na ginamit sa kilos-protesta at ‘panis’ umano ang mga protestang isinasagawa sa kanilang bansa.

“Comparatively, our protests here suck. I mean, where did they get that giant Trump fidget spinner? That’s amazing!” ang namanghang pahayag ng TV host.

Ang effigy umano, ayon sa Rappler, ay gawa ng Filipino artist group na Ugat Lahi kung saan makikita rito si Trump na may apat na kamay at nakahugis na gaya ng swastika ng Nazi, na simbolo ng auhoritarian rule, pagkamuhi, at anti-Semitism.

Sa likod ni Trump ay makikita ang imahen naman ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakayukod sa una.

Sinunog ng mga nagprotesta sa pangunguna ng militanteng grupong Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang effigy bilang pagpapakita ng disgusto sa pagdalo ni Trump sa naganap na ASEAN Summit.

Ilang banyagang netizens din ang namangha sa higanteng imahen na ito na Pinoy-made.

“That….is creative. Filipinos got this protest thing down. Wow,” tweet ng isang foreign netizen matapos makita ang protestang isinagawa sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?