22

Jan 4, 2022 @ 18:56
By

Jimmy Fallon inamin nagpositibo sa Covid 19

Inamin ng host na si Jimmy Fallon na nagpositibo ito sa Covid 19 bago mag-Pasko.

Ibinahagi ito ni Fallon sa kaniyang Instagram account nitong Enero lang.

Ayon sa host, mild symptoms lamang ang mayroon siya dahil umano kumpleto naman siya sa bakuna at may booster shot din.

“Hey guys, on the first day of our holiday break I tested positive for Covid. I was vaccinated and boostered which made me lucky enough to only have mild symptoms,” caption ni Fallon sa kaniyang Instagram account.

Dagdag pa riyan, pinasalamatan din ni Fallon ang mga health worker na patuloy na gumaganap sa kanilang tungkulin lalo na sa panahon ng COVID.

“Thank you to the doctors and nurses who work so hard around the clock to get everyone vaxxed. Thank you to NBC for taking the testing protocols so seriously and doing a great job – and also thanks for putting me in the ‘What ‘chu talkin’ about Willis?’ isolation room when they told me the news,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?