7

Nov 15, 2020 @ 14:39
By

Jimmy Butler sobrang kapal ng buhok

Ilang buwan ding hindi nagalaw ang buhok ni Jimmy Butler habang nasa NBA bubble.

Tumagal ng tatlong buwan ang NBA season sa loob ng bubble, at dahil dito’y nag-adjust din ang mga player sa kanilang normal na ginagawa.

Kasama na rito ang grooming tulad ng pagpapagupit ng buhok.

Binahagi ng Miami Heat star na ngayon lang siya nakapagpagupit ng buhok makalipas ang ilang buwan.

Sa reaksyon nito, makikitang namangha si Butler na makitang bagong tabas ang kanyang buhok at bigote.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?