92

Jul 1, 2019 @ 9:41
By

Jimmy Butler lipat sa Miami Heat

Nakasungkit ng All-Star forward ang Miami Heat sa katauhan ni Jimmy Butler.

Ayon sa report ni Adrian Wojnarowski ng ESPN, nagkasundo ang Philadelphia 76ers at Heat sa isang sign-and-trade deal.

Magiging kapalit ni Butler sa Heat ang sharpshooter na si Josh Richardson, habang four-year, $142M max contract ang naghihintay kay Butler sa Miami.

Una nang nagpahiwatig ang Heat legend na si Dwyane Wade na makukuha ng koponan si Butler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?