42

By

Jimmy Butler lipat na sa Philadelphia 76ers

Sharing is caring!

Magkakaroon ng bagong ‘Big Three’ sa Eastern Conference.

Ito’y matapos ianunsiyo ni Shams Carania ng The Athletic na nagkasundo na ang Minessota Timberwolves at Philadelphia 76ers sa isang trade.

Makukuha ng 76ers ang four-time NBA All-Star na si Jimmy Butler, kasama ang center na si Justin Patton.

Kanila namang ibibigay ang Croatian na si Dario Saric, wingman Robert Covington, veteran guard Jerryd Bayless, at 2022 second round pick.

Matatandaan na noong mga nakalipas na buwan ay sumasamo na ng trade si Butler, na napaulat na hinamon pa ang ibang key players ng Timberwolves na sina Andrew Wiggins at Karl Anthony-Towns na sinabing dinomina ni Butler sa mga scrimmage.

Sa kabila ng alitan, nakapaglaro pa ng 10 games si Butler ngayong season, at nag-aaverage ng 21.3 points at 5.2 rebounds kada laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?