28

Apr 6, 2020 @ 10:41
By

Jimin ng BTS nanood ng ‘3 Idiots’

Natuwa ang mga desi ARMY nang malamang pinanood ni BTS member Jimin ang 2009 Bollywood comedy movie “3 Idiots.”

Sa kanyang March 28 live, sinabing pinanood din ng South Korean singer-dancer ang 2016 romance film “Me Before You.”

Tungkol ang 3 Idiots sa buhay at pakikipagsapalaran ng tatlong lalaking magkakaibigan sa isang Indian engineering college.

Dahil dito, nagpasalamat kay Jimin ang Vidhu Vinod Chopra na manufacturing firm ng nasabing pelikula.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?