171
Jimenez, UST iseselyo ang silya sa Final Four
Apr 9, 2019 @ 14:39
By

Jimenez, UST iseselyo ang silya sa Final Four

Gitgitan sa pang-apat na pwesto ang paglalabanan ng University of Santo Tomas (UST) Golden Tigresses at University of the Philippines (UP) Lady Maroons sa second round eliminations ng UAAP Season 81 women’s volleyball tournament alas-4 Miyerkoles ng hapon sa FilOil Flying V Centre.

Kabuhol ng UST sa standings ng torneo ang FEU Lady Tamaraws (7-4) samantalang kasalukuyang nasa labas naman ng Final Four picture ang UP (6-5).

Pinataob ng Golden Tigresses noong Abril 6 ang UE Lady Warriors via straight sets 25-20, 25-20, 25-16 sa pangunguna nina rookie Eya Laure na may 14 points at ace spiker Sisi Rondina na humataw ng 11 markers para sa koponan.

Papuri rin ang natanggap ni rookie spiker Ysa Jimenez mula kay head coach KungFu Reyes na kumayod ng 10 points sa nasabing laban.

“Ito na ang reward niya para sa sarili niya, nakikita n’yo ang resulta,” sabi ni KungFu.

“Luckily may panibago kaming player na nag-step up. That’s the beauty of it na mayroon kaming strong 13 women na natitira any moment na magpalit kami ng tao. This time si Ysa naman ang nakatulong.”

Samantala, ipapagpag naman ng UP ang kanilang masaklap na pagkatalo kontra FEU sa parehas na araw 21-25, 25-19, 23-25, 22-25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?