Hindi pumasok sa isip ni Jim Paredes na pumasok sa gobyerno.
“Wala akong plano. I’m an artist,” lahad ni Paredes sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ sa Politiko Live.
Saad ni Paredes, nakilalang kritiko ng administrasyong Duterte, mas masaya na siya sa buhay niya sa Australia kung saan nakalayo siya sa kasikatan.
“I don’t need anymore fame, honestly. Kaya gusto ko rito, sasakay ako ng tren o bus, walang nakakakilala sa’kin,” paliwanag ng miyembro ng Apo Hiking Society.
Aniya pa, hindi rin niya alam kung ano ang kanyang gagawin sakaling maluklok sa pwesto.
“I don’t know if I’m qualified. What am I qualified for?” sambit ni Paredes.
“Anong gagawin ko dun?” tanong pa nito.