906

Nov 11, 2019 @ 19:08
By

Jim Paredes kay Bato: Sinong pa-cute?

Pinagkatuwaan ni Pinoy singer Jim Paredes si Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa “pa-cute” remark nito kay Vice President Leni Robredo matapos tanggapin ng huli ang drug czar post.

Ibinahagi ni Paredes sa Twitter nitong Nov. 11 ang screenshot ng meme ni Dela Rosa na mula sa netizen.

Nilagyan ito ni Paredes ng caption na: “Sinong pa cute?”

Makikita sa meme ang exaggerated smile ni Dela Rosa katabi ang isang laughing puppet version ng mambabatas na may nakasulat na: “Giyera eto. You have to fight. Hindi ka pwedeng magpacute dito.”

Magugunitang pinaalalahanan ni Dela Rosa si Robredo na seryoso ang laban ng admistrasyon kontra iligal na droga.

“This is war, giyera ito. You have to fight. Hindi ka pwede pa-cute-cute dito. Hindi ito beauty contest,” pahayag ni Dela Rosa kay Robredo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?