9

Sep 18, 2020 @ 18:42
By

Jim Paredes, Boboy Garovillo nag-reunion sa ‘quarantine song’

Naglabas ng bagong kanta ang dalawang miyembro ng APO Hiking Society na sina Jim Paredes at Boboy Garovillo.

Tungkol ang kanta sa pagmamahalan habang lockdown.

Noong Martes in-upload sa YouTube ang kanta na may pamagat na “Quarantine Baby”.

Si Jim ang nagsulat ng lyrics ng “Quarantine Baby” at ni-record nila ang kanta sa kani-kanilang bahay.

Kabilang sa kantang pinasikat ng APO ang “Batang-Bata Ka Pa”, “Pumapatak na Naman ang Ulan” at “Panalangin”.

Nakahakot ng positibong komento sa YT ang “Quarantine Baby”.

“Ang sarap sa pakiramdam makinig sa boses nila.”

“So cool. Ang suave ng mga boses.”

“Iba talaga ang hagod 🙂 sarap!”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?