32

Feb 10, 2021 @ 14:23
By

Jim Paredes: Basta sikat, lusot sa COVID protocol

Pinuna ni Jim Paredes, kilalang kritiko ng Duterte administration, ang ilang hakbang ng gobyerno sa paglaban ng COVID-19 pandemic.

Sa panayam ng ‘Balitaan at Kumustahan’ ng Politiko Live, sinabi ni Paredes na nahuli umano ang bansa sa pag-aksyon sa pandemya noong magsimula ito taong 2020.

“The problem with us is we acted too little in the beginning, that it was too late,” saad ng kilalang mang-aawit.

Isa pa sa pinunto ni Paredes ay ang umano’y maluwag na trato sa ilang personalidad na posibleng may paglabag sa minimum health standard.

“May mahuhuling nag-break ng [protocol], pag sikat, okay lang pababayaan. Kapag mahirap na tao, grabeng punishment.” lahad pa ni Paredes.

Ilan sa mga personalidad na dating inimbestigahan sa pagsuway ng COVID-19 protocol ay sina dating NCRPO chief Debold Sinas at Senador Koko Pimentel.

Inabswelto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Sinas noong Nobyembre sa kontrobersyal na mananita, at na-promote din bilang hepe ng Philippine National Police.

Habang si Pimentel naman, na pumunta sa isang ospital at doon nalaman na siya’y COVID-19 positive, ay nalinis din sa reklamo matapos itong ibasura ng Department of Justice.

“People were willing to cooperate with GCQ and everything, hindi ako naniniwalang pasaway tayo. Naniniwala ako na with the proper information, sumusunod tayo,” saad pa ni Paredes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?