147

Nov 16, 2021 @ 18:09
By

Jillian Ward nag-pose kasama ang bagong sasakyan

Sa kasagsagan ng kasikatan ngayon ng kantang “BMW” ng local rapper at singer-songwriter na si Because, lalo na sa Tiktok, hindi magpapahuli ang aktres na si Jillian Ward sa uso.

Ibang level naman na pakiki-ride sa uso ang ginawa ng aktres matapos nitong bumili ng bagong BMW na sasakyan.

Sa isang larawan na ibinahagi ni Jillian, makikitang nakasandal habang nakasuot ng black dress at high-knee socks ang aktres sa kaniyang sasakyan.

“My new baby car,” caption ni Jillian sa kaniyang Instagram post nitong Lunes.


Marami naman ang nagpahatid sa dalaga ng kanilang mensahe ng pagbati.

Nakilala si Jillian sa kaniyang pag-arte sa “Trudis Liit” na programa sa GMA-7 noong taong 2010. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?