645

By

Jillian Ward muling sasabak sa heavy drama

Ipinahayag ng young actress na si Jillian Ward ang labis na kagalakan dahil natupad ang wish niyang muling magkaroon ng teleserye. Isa si Jillian sa casts ng ‘My Special Tatay’ na pinagbibidahan ni Ken Chan.

Bago ang huli naming panayam kay Jillian, aminado siyang nami-miss na ang muling sumabak sa mabibigat na pag-acting. Sinabi niyang heavy drama na tulad ng ‘Sa Piling ni Nanay’ ang wish niyang muling magawa.

Ano ang naging reaction niya nang nalamang kasali siya sa ‘My Special Tatay’ ?

Sagot ni Jillian, “Masaya po ako since na-miss ko rin po mag-taping and dahil maganda po yung istorya. Dahil nakaka-spread po ito ng awareness tungkol sa mga mental disabilities. Plus, masaya po ako kasi mababait po yung mga makakatrabaho ko.”

Pahabol pa niya, “Sobrang happy ko po talaga na natupad yung matagal ko nang wish. Ayun nga po, na-miss ko kasi talaga ang mag-taping po para sa mga regular shows. At dahil mapapanood po ulit ako ng mga sumusuporta sa akin, excited na rin po kasi silang mapanood itong show namin.”

Ang ‘My Special Tatay’ ay mapapanood na sa September 3 sa GMA7 tuwing hapon. Tampok din dito sina Teresa Loyzaga, Jestoni Alarcon, Lilet, Candy Pangilinan, Dominic Roco, at iba pa.

Sinabi rin ng 13-year-old na Kapuso actress ang role niya sa TV series na ito.

“Ako po rito si Odette Villaroman, bunsong anak po nina Edgar (Tito Jestoni Alarcon) and Olivia (tita Teresa Loyzaga). Mailap daw po sa magulang pati rin daw po sa lola (Carmen Soriano) at sa kuyang si Orville (Bruno Gabriel).

“Iyong hinahanap ko pong pagmamahal, makikita ko po kay Boyet (kuya Ken Chan). Medyo kikay din po ako rito at isang very cheerful po na bata.” sambit ni Jillian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?