324

By

Jillian Ward, idol si Marian Rivera

Sharing is caring!

Umaasa si Jillian Ward na very soon ay mabibigyan ulit siya ng pagkakataon ng GMA-7 para makagawa ng teleserye.

Ipinahayag ng 13 year old na Kapuso young actress na nami-miss na niya ang dating ginagawa at gusto niyang sumabak ulit sa matitinding drama, tulad ng sa TV series na Sa Piling ni Nanay.

“Nami-miss ko na po ang um-acting, yung heavy drama po talaga na parang noon sa Sa Piling ni Nanay. Kasi, heavy drama po ‘yun. Talagang ano po yun eh, intense. Umabot pa nga po yun sa Malaysia. Sobrang sikat po sa Malaysia niyon,” saad niya.

Pagpapatuloy pa ni Jillian, “Bale 2016 po ‘yun, nandoon po sina ate Yasmien Kurdi, ate Katrina Halili, kuya Mark Herras and tito Gabbi Eigenmann.

“Actually, guest lang po ako roon ng five days, tapos na-extend po kami ng five months kasi talagang yung ratings po, tuloy- tuloy na mataas po. Lagi kaming top noon, kaya na-extend po,” nakangiting wika pa niya.

Ayon pa sa dalagita, wish niyang sumunod sa yapak ni Marian Rivera na isa sa mga Kapuso stars na iniidolo niya bilang aktres.

“Si Ate Marian Rivera iyong unang idol ko na Kapuso since nag-i-start pa lang po ako sa showbiz.

“Idol ko po siya dahil bukod sobrang versatile po niya… like si ate YanYan (tawag kay Marian), kahit anong role, talagang nagagawa niya po at ang ganda niya po talaga, plus ang bait pa,” wika pa ng bagets na napapanood every Sunday sa drama, fantasy, anthology na Daig Kayo ng Lola Ko na tinatampukan ng veteran actress na si Ms. Gloria Romero.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?