144

By

Jia Dee, unang Pinay na sasabak sa e-sports sa SEAG

Nakatakdang maglaro ang nag-iisang babae sa may 27-member e-sports team ng Pilipinas sa 30th SEA Games.

Pamangkin nina Kris at dating Pangulong Noynoy Aquino si Jia Dee na “only girl member” sa “Team Sibol” na makikipagtagisan sa kauna-unahang e-sports event sa SEAG.

Makakasama ni Dee si Dustin Mangulabnan sa Hearthstone category.

Isa itong online strategy card game na gumagamit ng mga karakter at elemento na kapareho sa Warcraft series.

Dati nang naging World Showdown of Esports Hearthstone Champion si Dee.

Graduate siya ng University of the Philippines Diliman sa kursong BS Molecular Biology and Biotechnology.

Kabilang din sa e-sports competition sa SEAG ang mga online games na Mobile Legends: Bang Bang, Dota 2, Arena of Valor, Starcraft II at Tekken 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?