29

Aug 4, 2021 @ 11:14
By

Ji Chang-wook sapol ng COVID

Nasapul ng COVID-19 ang South Korean star na si Ji Chang-wook.

Kinumpirma ito ng agency ng aktor ayon sa Soompi, isang Korean entertainment site.

Dahil dito, natengga muna ang shooting para sa upcoming series niya na “The Sound of Magic.”

Kasalukuyan nang nagpapagaling ang aktor.

Nakilala si Ji sa ilan niyang patok na drama series tulad ng “Healer,” “Suspicious Partner,” at “Lovestruck in the City.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?