12

Mar 4, 2021 @ 18:10
By

Jett Pangan, rakista na artista pa

Tuluyan na ngang pinasok ng frontman ng bandang “The Dawn” na si Jett Pangan ang mundo ng showbiz. May upcoming TV series kasi ito sa Kapuso network.

Kuwento ni Pangan sa GMA News, nagsimula siyang umarte sa mga teatro.

“2000, I got very busy with musical theater. So since then every year I would have a theater performance live. All the while it’s happening I’m still being a musician for The Dawn,” wika niya.

Sambit niya, napansin na lang siya ng mga network na may talent siya sa pag-arte.

“And then na-take notice na lang ng networks. ‘Hey, Jett can do acting so why don’t we guest him or feature him in this teleserye, in this movie?'” sambit nito.

Kasalukuyang inaabanagan ngayon ng mga Kapuso ang bagong afternoon series na
“Babawiin Ko Ang Lahat,” kung saan lilitaw ang rakista.


Saad ni Pangan, ito ang kanyang ikalawang teleserye sa GMA at sinabing “blessing” na mapasama siya sa proyektong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?