113

Nov 30, 2017 @ 12:18

Jett Manuel, opisyal nang ka-Barangay Ginebra

Opisyal nang ka-Barangay si rookie Jett Manuel matapos itong papirmahin ng isang taong kontrata ng Gin Kings.

Nakuha si Manuel ng Barangay Ginebra sa first round (12th overall) sa nakaraang rookie draft.

Personal umanong binati ni Ginebra board governor Alfrancis Chua si Manuel sa pirmahan ng kontrata na nangyari sa San Miguel Corp. headquarters sa Mandaluyong, ayon sa Spin.ph.

Isa umanong pagkakataon ito sa University of the Philippines player upang maipamalas ang kanyang angking galing sa pro league.

Inaasahang makikipagsabayan si Manuel sa Gin Kings stalwarts tulad nina LA Tenorio, Mark Caguioa at Japeth Aguilar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?